Monday, March 31, 2014

"First Lady" ng Pilipinas

Hilaria del Rosario Aguinaldo





  • Unang asawa ni Heneral Emilio Aguinaldo
  • Pinakaunang "First Lady" ng Pilipinas
  • Unang Honorary President ng Philippine Red Cross
  • Itinatag ang "Asociation de la Cruz Roja" noong taong 1899 na naging Philippine Red Cross 
  • Inalagaan ang mga sugatang sundalo at naglagap ng mga gamot ng mga sundalong Pilipino noong rebolusyon laban sa mga Amerikano 



Mga Nagawa ni Emilio Aguinaldo

-Sumama sa samahang Masonry (kabilang ni Jose Rizal, Apolinario Mabini, Juan Luna, Marcelo del Pilar at Graciano Lopez Jaena) upang mapabuti ang kalagayan ng bayan
-Pinuno ng pangkat Magdalo ng Katipunan sa Cavite
-Pumayag sa kasunduan sa Biak-na-Bato na nilagdaan niya noong Disyembre 14,1897 dahil sa paniniwalang hindi na magtatagumpay ang digmaan


-Pumayag sa kusang loob na pagpapatapon sa kanya sa Hongkong kapalit ang bayad-pinsalang naghahalagang P400,000 na ginamit niya sa pagbili ng mga armas na inilaan pagbalik niya sa bansa
-Nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na siyang iwinagayway sa Kawit, Cavite noong Hulyo 12, 1898
-Pangulo ng Pamahalaang Reblousyonaryo makaraang buuin ang Kongreso sa Malolos at ratipikahin ang kasarinlan at konstitusyon nito noong Enero 21, 1899



-Nadakip ni Heneral Frederick Funston kasama ang kanyang mga tauhan sa Palanan, Isabela noong Marso 23,1901
-Nagretiro sa pagiging pangkaraniwang mamamayan makaraang itatag ang pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos
-Nagtatag ng Asociacion de los Veteranos de la Revolucion, isang samahan ng mga lumalaban sa mga Kastila at mga Amerikano upang magkamit ng benepisyo

Sunday, March 30, 2014

Storybook ng Kabataan ni Emilio Aguinaldo

EMILIO AGUINALDO



Isang araw, mayroong sanggol na isinilang.
Emilio Aguinaldo ang kanyang pangalan.





Siya ay lubos na naniniwalang tadhana niyang gumawa ng mga dakilang bagay dahil sa kanyang pagpanganak noong Mahal na araw. 



Sa kanyang mura na edad, naipakita na niya ang kanyang katapangan.




Siya'y tumalon sa dagat at nakipagsapalaran labang ang isang malaking isda. At ang isdang iyon ay isang pating pala.







Nagdiwang ang mga kawan sa barko dahil sa nahuling pating.




Noong si Emilio'y tatlong taong gulang, nagkaroon ng pag-aalsa laban sa mga Kastila sa Cavite.





Maraming Pilipino ang nahuli.









Ang iba'y ipinatapon sa Guam.




Sa pagkataranta, naiwang magisa si Emilio sa gubat ng kanyang kamag-anak. Siya'y muling nahanap noong lumipas ang panahon.




Siya'y namalat sa kakaiyak dahil sa mga kagat ng langgam.


Kagagaling niya lang sa bulutong at ngayo'y may sakit siya muli. 


   "Mula sa aking pagkabata aking buhay ay naging puno ng paghihirap at pighati" 
Sinabi niya pagkalaon, noong siya'y tumanda na "...para bagang anumang lubos na kaligayahan ay kailanma'y hindi ko nakamit sa buhay"

Saturday, March 29, 2014

Ang Kabataan ni Emilio Aguinaldo


Emilio Aguinaldo


Si Emilio Aguinaldo ay pampito sa walong anak na galing sa isang mayaman na mestizong pamilya.
Ang kanyang mga magulang ay may lahing intsik at Pilipino.
Namatay ang ama ni Emilio noong siya ay siyam na taong gulang pa lamang.
Pinadala siya ng kanyang ina sa Colegio de San Juan de Letran mula elementarya hanggang mataas na paaralan.
Galing siya sa mayaman na pamilya sapagkat ang kanyang ama ay dating gobernadorcillio noong kolonisasyon ng espanyol.
Si Emilio ay naging isang Cabeza de Barangay ng Binakayan noong siya ay labimpitong taon pa lamang.
Nang matapos niya ang kolehiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas, bumalik si Aguinaldo sa bahay niya sa Kawit, Cavite.

Friday, March 28, 2014

Talambuhay

Emilio Aguinaldo


  • Ipinanganak siya noong Marso 22, 1869 sa Kawit, Cavite
  • Namatay siya noong Pebrero 6, 1964 sa edad na 94
  • Ang puntod niya ay sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite
  • Kasama siya sa mga pampulitikang partido na Katipunan at the 'Nationalist Social Party'
  • Nagaral siya sa Colegio de San Juan de Letran
  • Siya ay naging sundalo, manager, guro at rebolusyonaryo
  • Siya ang pinakaunang presidente ng Pilipinas
  • Nasa opisina siya simula Enero 23, 1899 hanggang April 1, 1901





Source:
http://en.wikipedia.org/wiki/Emilio_Aguinaldo